The Weather Channel bilang isang Weather Services Provider
Kumusta! Pag-aari at pina-publish ng The Weather Channel ang weather.com website, The Weather Channel mobile app, at iba pang mga application na nauugnay sa lagay ng panahon. Pero minsan, ibinibigay ng The Weather Channel ang impormasyon ng lagay ng panahon natin sa iba pang mga kumpanyang nagpapakita ng impormasyon sa lagay ng panahon na iyon sa sarili nilang mga website, mobile app, at iba pang mga application. Ipinapaliwanag ng page na ito kung paano ginagamit ng The Weather Channel ang iyong data sa mga partikular na sitwasyong iyon. Para sa lahat ng iba pang mga tanong tungkol sa pangongolekta, paggamit, at/o pagbabahagi ng personal na data ng website, mobile app, o iba pang application ng kumpanyang iyon, pakisuri ang patakaran sa privacy policy ng kumpanyang iyon.
Ang mga data distribution system ng Weather Channel ay awtomatikong makakapagbigay ng impormasyon sa lagay ng panahon sa ninanais na lokasyon kung ibibigay sa amin ang ninanais na lokasyon sa ilang nakikilalang format gaya ng mga zip code, pangalan ng lungsod, o geocode (lat/long). Ang data ng lokasyon ay maaaring awtomatikong ibigay sa amin ng application na ginagamit mo, o maaari kang mag-type o pumili ng lokasyon sa pamamagitan ng isang search, depende sa kung paano dinisenyo ng kumpanyang iyon ang website o application nito. Anuman ang mangyari, gagamitin lang ng The Weather Channel ang data ng lokasyon para sa layunin ng pagbibigay sa iyo ng impormasyon sa lagay ng panahon para sa lokasyong iyon. (Pakitandaan na hindi ito nangangahulugang hindi gagamitin ng website o application ng kumpanyang iyon ang data ng lokasyon mo para sa iba pang mga layunin, kaya tingnan ang patakaran sa privacy ng kumpanyang iyon para sa higit pang impormasyon.) Kung kinakailangan, ang operating system(OS), browser, o mobile app na ginagamit mo ay maaaring humiling ng pahintulot na gamitin ang data ng lokasyon mo o magpakita sa iyo ng paunawang ginagamit ang data ng lokasyon mo. Kung mangyayari man ito ay nakadepende sa OS, browser, o app na ginagamit mo at kung nagbigay ka na ng pahintulot o nakita mo na dati ang paunawa. Pakitandaan na dahil hindi pag-aari, pinamamahalaan o pinananatili ng The Weather Channel ang OS, browser, o app na ginagamit mo, hindi namin makokontrol kung at kailan ka makakatanggap ng paunawa o kahilingan ng pahintulot na gamitin ang iyong lokasyon.
Gaya lang ng mga taong hindi makakapagpadala ng mga sulat sa isa't isa nang walang mga postal address, ang mga device sa internet ay hindi makakapag-communicate nang walang mga IP address. Dahil dito, ang website o application ng kumpanyang iyon ay gumagamit ng IP address para makapagbigay kami ng impormasyon sa lagay ng panahon sa iyong device. Maaaring makipag-communicate ang kumpanyang iyon sa The Weather Channel gamit ang isang IP address na itinalaga sa iyong device sa panahong iyon o isang IP address para sa mga internal system nila. Anuman ang mangyari, gagamitin lang ng The Weather Channel ang IP address para sa layunin ng pagbibigay sa iyo ng impormasyon sa lagay ng panahon.
Maaaring iniisip mong ,“Kailan nalalapat sa akin ang Patakaran sa Privacy ng The Weather Channel?” Ang Patakaran sa Privacy ng The Weather Channel ay nalalapat lang kapag bumibisita ang isang user sa isang site, mobile app, o iba pang application na pina-publish o pag-aari ng The Weather Channel.